^

Metro

5 timbog sa buy-bust

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahigit sa P.6 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isinagawang buy-bust operation sa Pa­rañaque City kung saan lima katao ang nadakip, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) director, P/Brig. Gen. Emmanuel Peralta ang mga nadaki pna suspek na sina Ali Sali­ling, alyas Apple, 30; Baikan Mokamad, 47, negos­yante; Apolinio Plata, Jr. 39; Melvin Juarez, 25,at Francis Darwin Matugina, 33.

Sumailalim muna sa isang linggong surveillance si alyas Apple bago ikinasa ang operasyon alas- 12:50 ng madaling araw kahapon sa mismong bahay nito.

Nakabili ng halagang P1,000 ang poseur-buyer dahilan upang arestuhin si Apple na nagkataong ang iba pang suspek ay naroon din.

Nasamsam ang 7 sachets ng shabu na may kabuuang timbang na 100 gramo, marked money na P1,000., isang kalibre 38 revolver na may 5 bala.

Ayon sa ulat, ang apat ay mga trusted costumer at consignees sa iligal na droga ni Apple.

vuukle comment

BUY BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with