^
P3.1 milyong kush marijuana, nasamsam ng BOC
Nasabat ng mga tauhan ng BOC-NAIA ang may dalawang kilo ng kush marijuana na nagkakahalaga ng P3.1 milyon sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.
Kuha ni Rudy Santos

P3.1 milyong kush marijuana, nasamsam ng BOC

Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - June 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasamsam ng Bureau of Customs(BOC-NAIA) ang  nasa P3.1 milyong halaga ng  kush marijuana mula sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.

Sinabi ni NAIA District Customs Collector Mimel Talusan, ang kontrabando  ay galing sa California, USA  ay idineklarang mga  chocolate, green Tea, Shirt, blac tea, ngunit sa ginawang pisikal na pagsusuri, nakita ng Customs examiner na nasa loob ng apat na pakete ang high  grade marijuana. Ang package ay naka-cosigned sa isang residente ng Marikina City.

Ang marijuana ay itinuturing pa ring ilegal sa bansa at ang pag- angkat nito ay may katumbas na parusang habambuhay na pagkabilanggo.

Sinabi ni Talusan, na patuloy ang kanilang profiling sa mga parcels at kargamento na dumarating sa bansa at  pinaigting   ang pag-eksamin at monitoring sa mga paketeng dumarating.

Ang nasamsam na marijuana ay isinalin ng customs sa pag-iingat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kahapon para sa karagdagang profiling at case build-up para sa paglabag sa Dangerous Drugs Act na may kaugnayan sa Seksyon 119 at Seksyon 1113 ng ang Customs Modernization and Tariff Act.

MARIJUANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with