^

Metro

110K tablets at 11K laptops, sasagutin ni ‘Yorme’ sa online classes sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
110K tablets at 11K laptops, sasagutin ni �Yorme� sa online classes sa Maynila
Nabatid ito matapos makipagpulong nitong Biyernes si Manila Mayor (Yorme) Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa Local School Board bilang paghahanda sa pasukan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Bibili ng 110,000 tablets at 11,000 laptops ang Manila City government para gamitin ng mga guro at mga estudyanteng mula Kinder hanggang Grade 12 sa pagbubukas ng online classes.

Ito ay may nakalaang P994-milyon para sa mga tablets na may kasamang sim cards at laptops na may mga kasamang pocket wifi device.

Nabatid ito matapos makipagpulong nitong Biyernes si Manila Mayor (Yorme) Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa Local School Board bilang paghahanda sa pasukan.

“Ayokong pumasok ‘yung bata na walang kapasidad ang eskuwelahan na magturo. We are the capital of the nation,” ani Domagoso. “I want you to focus all your effort on this,” dagdag nito.

Hindi na rin poproblemahin ng mga magulang ang load sa data ng mga mag-aaral dahil tiniyak ni Moreno na bawat educational tablet ay kakargahan ang sim card ng 10GB bandwidth kada buwan at free 2GB data allocation para sa YouTube.

“Bibili tayo ng 110,000 na tablet para sa mga Batang Maynila. Walang “tosgas” (gastos) na ang mga magulang. Lahat iyong 110,000 ay may SIM card.

Buwan-buwan, may load na 10 GB,” ani Domagoso sa kanyang Facebook Live.
“I want to focus on the real problem na kailangan nila ng bandwidth,” aniya pa.

Sinabi pa ni Domagoso na ang 11,000 laptops na may pocket wifi ay ibibigay sa mga public school teachers upang may magamit sila sa online classes. Aniya, idi-distribute ang mga gadgets bago ang pagbubukas ng School Year 2020-2021.

Pinasalamatan naman ng Manila Public School Teachers Association (MPSTA) ang kagandahang loob ng alkalde na magbigay ng educational gadgets.

“(Ito) ay isang malaking pag-asa na ibinibigay ng alkalde na maipagpapatuloy ang pag-aaral ng mga batang Maynila sa gitna ng pandemic crisis na nararanasan ng marami sa atin,” ani Louie Zabala, board member ng MPSTA.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with