Dahilan nito ay mas marami ng mga mamamayan ang gumagamit ngayon ng mga bisikleta bilang alternatibong transportasyon, lalo at nananatiling bawal pa rin ang mga pampublikong bus at jeep sa Metro Manila kahit nasa ilalim na ito ng mas maluwag na general community quarantine (GCQ).
Michael Varcas
San Juan, Taguig nagtakda ng bike lanes
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - June 4, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sabay na inilunsad kahapon ng lungsod ng San Juan at Taguig kaalinsabay  ng World Bicycle Day ang bike lanes sa ilang kalsada sa kanilang mga lungsod.

Dahilan nito ay mas marami ng mga mamamayan  ang gumagamit ngayon ng mga bisikleta bilang alternatibong transportasyon, lalo at nananatiling bawal pa rin ang mga pampublikong bus at jeep sa Metro Manila kahit nasa ilalim na ito ng mas maluwag na general community quarantine (GCQ).

Ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora, ang phase 1 ng bike lanes ay mula N. Domingo Street hanggang Ortigas Avenue, na may habang 4.21 kilometro.

Dumadaan ang bike lane sa ilang pangunahing pasilidad at tanggapan sa lungsod tulad ng San Juan Medical Center at San Juan City Hall.

Layon ng bike lanes na protektahan ang mga frontliner at balik-trabaho na gu­magamit ng bisikleta.

Sa Taguig, nagtakda na rin ng bike lanes sa Cayetano Boulevard at Bayani Road, habang ni-renovate naman ang bike lane sa may C-6 Road.

Pero titingnan pa muna ng lokal na pamahalaan kung ayos para sa mga nagbibisikleta papasok ng kanilang mga trabaho ang bike lanes bago gawing permanente ang mga ito.

Ipinasa ng city government noong Hunyo 1 ang “Bike-Friendly Taguig Ordinance,” na nagsasaad ng mga karapatan at obligasyon ng mga siklista sa lungsod.

Balak din ng city government, city health office at barangay health centers na maglunsad ng mga programang layong magpahiram ng bisikleta sa kanilang mga empleyado.

Nakikipag-usap na rin ang lokal na pamahalaan sa mga mall at iba pang establisim­yento na maglagay ng bike racks para sa kanilang mga empleyado at kostumer.

BIKE LANE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with