Makikitang nakatanaw si Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso sa balkonahe ng Delpan Evacuation Center.
Released/Manila Public Information Office, File
2 COVID-19 positive na preso tumakas sa quarantine facility ng Maynila — ulat
(Philstar.com) - June 2, 2020 - 11:20am

MANILA, Philippines — Umeskapo sa isang quarantine facility sa Lungsod ng Maynila ang dalawang presong nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Sa ulat ng dzBB, sinabing pumuga mula sa Delpan Evacuation Center sa baranggay ng Tondo ang dalawa, na may kaso kaugnay ng iligal na droga at "child abuse."

Pagtataka pa ng ilang mga nasa pasilidad, mataas ang bakod ng evacuation center kung kaya'y ipinagtataka nila kung paano nakatakas ang mga suspek.

Kasama ang mga inmate sa apat na inmate mula sa Sta. Ana Police Station na sumailalim sa swab testing ng COVID-19. Nagpositibo ang dalawa noong ika-14 ng Mayo.

Agad na nagtungo ang mga kawani ng Manila Police District (MPD) station 6 at 11 kanina upang imbestigahan ang insidente.

Gayunpaman, naaresto rin ngayong Martes ang dalawa, sabi ni MPD chief Gen. Rolando Miranda matapos matagpuan sa Sta. Ana, na malayo-layo mula sa quarantine site.

Pinag-aaralan pa naman kung may iba pang nakasalamuha ang dalawa, na maaaring nahawaan ng nakamamatay na virus.

Kinukunan pa naman ng pahayag tungkol dito ang lokal na pamahalaan ng Maynila ngunit hindi pa rin tumutugon sa ngayon. — James Relativo

INMATE NOVEL CORONAVIRUS TONDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with