Ayon kay Gene­ral Guillermo Loren­zo Eleazar, hindi pa rin papayagan ang mga bibiyaheng mga pampasaherong jeep kahit pa may mga plastic nang nakadi­senyo sa loob ng mga ­upuan nito at may distancing.
The STAR/Miguel de Guzman, file
Jeepneys na bibiyahe sa GCQ huhulihin
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - June 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbabala kahapon si Joint Task Force COVID Shield Commander Lt. Gene­ral Guillermo Loren­zo Eleazar na kanilang huhulihin ang mga pampasaherong jeepney na makikitang pumapasada sa kabila ng ipinatutupad na general community quarantine (GCQ)  sa Metro Manila.

Ayon kay Eleazar, hindi pa rin papayagan ang mga bibiyaheng mga pampasaherong jeep kahit pa may mga plastic nang nakadi­senyo sa loob ng mga ­upuan nito at may distancing.

“Bawal pa ‘yang mga dyip, sa oras na nagpumilit sila na bumiyahe, huhulihin namin sila” saad pa ni Eleazar.

Sinabi ni Eleazar na nakatanggap siya ng report na may mga ilang jeep ang nakatambay sa Marcos Hi-Way na nag-aabang ng mga pasahero patungong Cogeo, Antipolo at Marikina.

May mga jeepney ring naispatan na namamasada pa-Baclaran at Cavite.

Ayon sa opisyal, mahigpit ang tagubilin ng Department of Transportation (DOTr) na hindi pa rin papayagan ang pagbiyahe ng mga dyip sa GCQ kahit pa ang mga modernong dyip.

Sa alituntunin ng Inter-Agency Task Force (IATF) ay ipatutupad ang 2 Phases sa ilalim ng GCQ sa MM.

Sa Phase 1 na epektibo ng June 1-21 ay papayagang makapag-operate ang mga trains (LRT, MRT, PNR), bus augmentation, taxis, transport network vehicle services (TNVS), shuttle services, point-to-point buses, at mga bisikleta pero may limitadong kapasidad ng pasahero.

Magugunita na inihayag ng DOTr na nasa 300-500 bus ang magsisilbing augmentation na magsasakay ng mga pasahero mula istas­yon ng LRT, MRT at PNR na pinayagang magbalik-operasyon simula nitong Lunes.

Sa Phase 2 na epektibo sa Hunyo 22-30, maaari na ring mag-operate ang mga Public Utility Buses (PUBs), modern public utility vehicles (PUVs), at UV Express na may limitadong passenger capacity. 

Sinabi rin ni Eleazar na kanila ring huhulihin ang motorsiklo na may angkas. 

“Inuulit ko bawal ang mag-angkas sa motorsiklo sakaling may makita ang mga kapulisan na magkaangkas ay amin silang huhulihin,” giit ni Eleazar.

 

GENERAL COMMUNITY QUARANTINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with