^

Metro

Protection center muling bubuksan ng Quezon City vs domestic violence

Pilipino Star Ngayon
Protection center muling bubuksan ng Quezon City vs domestic violence
Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, nagdesisyong buksan muli ang center dahil sa ulat na may 602 katao o may ave­rage na walong katao kada araw sa buong bansa ang naging biktima ng rape mula March 17 hanggang May 23.
Tumisu from Pixabay

MANILA, Philippines — Dulot ng mga ulat na pagtaas ng bilang ng  domestic violence incidents sa panahon ng COVID-19 pande­mic, nagdesisyon ang ­Quezon City government na muling buksan ang protection center  sa lungsod para sa mga biktima ng gender-based violence and abuse.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, nagdesisyong buksan muli ang center dahil sa ulat na may 602 katao o may ave­rage na walong katao kada araw sa buong bansa ang naging biktima ng rape  mula  March 17 hanggang  May 23.

Anya, ang naturang center ay magsisimulang magserbisyo sa mga walk-in clients  ngayong linggong ito partikular para sa mga kababaihan, kabataan at miyembro ng LGBT (lesbian, gay, bisexual, and transgender) community  na nakakaranas ng pananakit at pang- aabuso.

“Sa pagdami ng kaso ng karahasan at pang-aabuso laban sa ating mga kababaihan, kabataan at miyembro ng LGBT community, nakita namin ang pangangailangan na muling buksan ang QCPC para matugunan ang problemang ito,” pahayag ni  Belmonte.

Ang center na matatagpuan sa QC General Hospital (QCGH) compound sa Brgy. Bahay Toro ay pansamantalang naipasara nang lumitaw ang COVID-19.

Bagamat naisara pansamantala, patuloy naman itong gu­maganap sa mandate sa pamamagitan ng pagtanggap ng reklamo at pagsagot ng mga inqui­ries sa pamamagitan ng kanilang  e-mail na que [email protected], social media account at sa pamamagitan ng Hotline 122 para sa agarang pag aksiyon.

vuukle comment

COVID-19

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with