P5k cash assistance sa 40k residente ng Parañaque
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Tatanggap ang nasa 40,000 eligible Parañaque residents ng tig-P5,000 cash assistance mula sa lokal na pamahalaan sa ilalim ng new Paraña-Cash program sa pagpasok ng Hunyo, ayon kay Mayor Edwin Olivarez.

Kabilang aniya sa magbebenipisyo sa programang ito ang mga “left-out households” na hindi man lang nakatanggap ng kahit anong cash assistance mula sa national government sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP), expanded 4Ps, at COVID-19 Adjustment Measures Program  ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ang pondo sa Paraña-Cash program ay nagmula sa sinuspindeng konstruksiyon ng P200 million astrodome project na dapat sanang makumpleto ngayong taon.

Ayon kay Mar Jimenez, hepe ng Public Information Office, ang eligible households ay kailangang mag-fill-up ng intake form na ida-‘download’ mula sa computer sa pamamagitan ng kinatawan na nasa hustong gulang na.

Ilalakip ng aplikante ang sertipikasyon na siya o ang mga kasama sa bahay ay hindi pa nakatanggap o targeted beneficiary ng SAP.

Matapos ang maikling interview bago siya bigyan ng “Europay, Mastercard, at Visa” card (EMV) o alimang  debit card  kung saan idadaan ang Paraña-cash pay-out.

Ang EMV card ay ipapangalan sa household’s designated representative.

“The distribution scheme may be carried out by house-to-house, sitio-by-sitio, or plaza type depending on population density and size of the area, with strict adherence to stringent social distancing measures, “ani Jimenez.

EDWIN OLIVAREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with