Barangay chairman tinangkang itumba ng lalaking inalis daw sa listahan ng SAP
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Nakaligtas sa posibleng kamatayan ang isang barangay chairman nang pumalpak ang pagputok ng baril ng isang lalaki na nagalit sa una nang tanggalin umano ang kanyang pangalan sa mga benepisyaryo ng ‘social amelioration program (SAP)’, kamakalawa ng hapon sa Maynila.

Agad namang naaresto ang suspek na si Aiman Musa, 37, ng Malangas Street, San Miguel, ng naturang lungsod.  Inireklamo siya ng biktimang si Hashim Amatonding, Brgy.  Chairman ng Brgy. 648 Zone 67 San Miguel, Maynila.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:30 ng hapon nang maganap ang tangkang pamamaril sa tapat ng barangay hall ng Brgy. 648 Zone 67.

Nasa kasagsagan ng pamimigay ng relief packs si Amatonding sa mga nasasakupang kabarangay nang dumating ang suspek, bumunot ng baril at kinalabit ang gatilyo ngunit hindi pumutok.  Muling ikinasa ng suspek ang baril at saka ipinutok ngunit muling sumablay naman.

Dito nagkaroon ng pagkakataon na makapagtago sa loob ng barangay hall si Amatonding at makatawag ng responde sa Palanca Police Community Precinct.  Mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng MPD-Special Wea­pons and Tactics Unit dahilan para masukol at maaresto ang suspek.

Narekober kay Musa ang isang kalibre .45 na baril na may isang magazine na naglalaman ng anim na bala at isang palpak na bala.  Bigo naman siya na makapagpakita ng dokumento sa naturang mga baril.

Sa imbestigasyon, ikinatwiran ni Musa na tinanggal umano ang kanyang pangalan ng naturang chairman sa mga benepisyaryo ng SAP kaya hindi siya nakatanggap ng inaasam na P8,000.

Nakaditine ngayon sa MPD Jail ang suspek na nahaharap na sa mga kasong attempted murder at illegal possession of firearms and ammunitions.

AIMAN MUSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with