^

Supply ng tubig sa Metro Manila, sapat hanggang Hunyo-NWRB

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - May 8, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sapat ang suplay ng tubig sa Metro  Manila hanggang sa buwan ng Hunyo kahit na patuloy ang pagbaba ng water level  sa Angat Dam dulot ng nararanasang mainit na panahon at walang pag-ulan sa may watershed ng naturang dam.

Ayon ito kay National Water Resources Board (NWRB) executive director Sevillo David Jr.

Ang Angat Dam ang nagsusuplay ng 90 percent ng  tubig sa MM.

“Ang mga dam natin partikular po ang Angat Dam ay bumababa pa rin po ang lebel dahil nga po sa mainit ang panahon. Inaasahan natin na patuloy pa itong bababa,” sabi ni David.

Anya ang latest water level sa Angat dam ay umaabot sa 189.3 meters kaya’t matutugunan pa nito ang pangangailangan sa tubig ng Metro Manila kahit walang nararanasang pag-ulan sa mga watershed ng dam.

Sinabi ni David na dahil sa kawalan ng ulan, posibleng bumaba ng isang metro ang water level ng dam tuwing ika-lima hangang anim na araw.

Ayon kay David, nananatiling may regular allocation ng water supply sa Metro Manila ng 46 cubic meters per second para sa publiko  na sapat na magamit ngayong panahon na may krisis dulot ng COVID-19 pandemic.

ANGAT DAM NWRB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with