P5K cash aid para sa mga guro sa Maynila

MANILA, Philippines — May ayuda din na matatanggap mula sa pamahalaang-lunsod ng Maynila ang mga teaching at non-teaching personnel dito kaugnay sa nararanasang  krisis bunga ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Inianunsiyo ni Manila Mayor Isko Moreno noong Biyernes,  April 24, na tatanggap ng P5,000.00 cash aid ang mga guro kasunod ng paglagda sa release ng P64-milyon.

“Ang lahat ng aming teacher and non teaching personnel, sa aming elementary at public high school ay tatanggap ng 5,000 pesos bawat isa. Pinirmahan ko na kahapon yung P64 million more or less,”ani Moreno.

May  11,000 public elementary at high school personnel ang mabibiyayaan ng tulong pinansyal, ayon sa alkalde.

Idinagdag pa ni Moreno na diretso na sa mga ATM cards ng mga teachers at non-teaching staff  ang nasabing financial assistance.

“Maubos man ang pera ng gobyerno, masaya naman ako na natamasa ito ng mga tao sa panahon ng kakaibang crisis,” Ayon pa kay Moreno.

Show comments