Flights ng Cebu Pacific, nananatiling kanselado
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - April 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ng Cebu Pacific at Cebgo na ang lahat ng kanilang domestic at internasyonal flights ay mananatiling kanselado mula Mayo 1 hanggang 15, 2020.

Ayon sa pamunuan ng kompanya, ito ay dahil sa pagpapalawig ng Enhanced Community Quarantine na ipinataw sa karamihang lugar sa Luzon, at pagpapatupad ng General Community Quarantine sa iba pang mga probinsya.

Gayunman, ang Cebu Pacific ay patuloy ang all-cargo flights upang suportahan ang movements ng mga mahalagang mga kalakal, kabilang ang mga gamot at personal protective equipment sa buong bansa.

Sabi ng pamunuan ng Cebu Pacific na magbibigay sila ng update sa lalong madaling panahon kung kailan nila muling sisimulan ang passenger operations.

 Hinihikayat namin ang mga pasahero sa kinanselang flight upang pamahalaan ang kanilang mga booking online sa pamamagitan ng aming website, http://bit.ly/CEBmanageflight, bago ang kanilang nakatakdang petsa ng paglalakbay. Sila ay maaaring pumili ng alinman sa mga sumusunod na opsyon tulad ng free rebooking, full travel fund at full refund.

CEBU PACIFIC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with