Babaeng preso positibo sa COVID

MANILA, Philippines — Isang 72-taong gulang na ginang na preso sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City ang nagpositibo na rin sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor),  ang hindi pinangalanang pasyente ay may sakit na diabetes at kasalukuyan nang naka-confined sa Sta. Ana Hospital at nagpapagaling.

Lunes umano nang dinala ang pasyente sa CIW infirmary at dito natukoy na mayroong community acquired pneumonia kaya isinugod siya sa Sta. Ana Hospital sa nasabi ring araw hanggang sa nakumpirmang positibo ito sa virus.

Tiniyak naman ng BuCor na nagsagawa na sila ng contact tracing at isinasailalim na sa COVID tests ang lahat ng medical personnel at persons deprived of liberty (PDL) na nakasalamuha ng pasyente. 

Show comments