^

Metro

17 netizens ipinatawag ng NBI

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpadala  ng subpoena ang National Bureau of Investigation (NBI) sa 17 netizens na hinihinalang nagpapakalat ng mga pekeng impormasyon sa social media ukol sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Sinabi ni NBI Cyber Crime Division chief Victor Lorenzo na asahan pang dadami ang kanilang padadalhan ng subpoena sa mga susunod na araw hanggang patuloy ang pagkalat ng ‘fake news’ sa internet.

“So far, 17 pa lang naman ‘yung pinadalhan namin pero ine-expect namin magpapadala pa kami,” ayon kay Lorenzo sa isang panayam sa telebisyon.

Maaaring masampahan ng kasong paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code (Unlawful Use of Means of Publication) na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act of 2012 ang mga taong mapapatunayang sadyang nagpapakalat ng fake news para guluhin ang publiko o may siraang personalidad. Maaari rin silang mapatawan ng mga parusa sa ilalim ng pinirmahang Bayanihan to Heal as One Act.

Una nang nanawagan si human rights lawyer Chel Diokno sa NBI na araling mabuti ang mga iniimbitahan upang hindi maabuso ang karapatan ng mga netizen na naglalabas lamang ng hinaing o kritisismo sa pamahalaan.  Isa na rito ang kaniyang kliyente na konstruktibong kritisismo lamang umano ang inilalabas. Ngunit nilinaw ni Lorenzo na inimbitahan nila ang kliyente ni Diokno dahil sa post niya ng isang opisyal ng pamahalaan na bumili umano ng P2 bilyong eroplano sa halip na tumutok sa pandemic.  Sinabi pa niya na maaaring maging ‘whistleblower’ ang kliyente ni Diokno kung totoo ang kaniyang post.

vuukle comment

CHEL DIOKNO

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with