9 pang PNP personnels, positibo sa COVID-19
MANILA, Philippines — Pumalo na sa 19 personnels ng Philippine National Police (PNP) ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID ) 19 matapos na tatlo pa ang nadagdag sa listahan, ayon sa opisyal kahapon. Sinabi ni PNP Spokesman Brig. Gen. Bernard Banac, na patuloy na minomonitor ng PNP Health Service ang kalagayan ng 15 pasyente sa kabuang 19 kaso ng COVID 19 sa organisasyon ng PNP.
Ayon kay Banac, nananatili pa rin sa 2 ang bilang ng PNP personnel na nasawi sa virus.
Inihayag ni Banac na kabilang sa tatlong nadagdag sa mga pasyenteng may kaso ng COVID sa PNP ay isang babaeng police officer, 31 anyos mula sa Laguna; isang 41 anyos na police personnel mula sa Cavite at isang 45- anyos na babaeng police officer na taga-Batangas.
Sa kasalukuyan ( Abril 6 ), sinabi ni Banac sa rekord ng PNP Headquarters Service nasa 280 pulis ang ikinakategoryang Persons Under Investigation (PUIs) na kinabibilangan ng 63 Police Commissioned Officers, 204 ang Police Non-Commissioned Officers, at 13 naman ang Non-Uniformed Personnels.
Samantalang umaabot na sa 1, 332 ang PNP personnels na nasa talaan ng Persons Under Monitoring (PUMs ) na binubuo ng 300 Police Commissioned Officers (PCO), 978 Police Non-Commissioned Officers (PNCO) at 54 Non-Uniformed Personnels (NUP).
Nabatid na sa unang linggo ng operasyon bilang quarantine area para sa NHQ PNP Covid 19 Patient Care Center sa Kiangan Billeting Center) ay nakapag-admit ng 39 PNP personnels na PUIs na sumasailalm sa quarantine kabilang ang 11 PCO, 19 PNCO, 4 NUP at anim na mga sibilyan.
Kaugnay nito, inihayag naman ni Joint Task Force Corona Virus (JTF CV Shield ) Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar na nakapagresponde sila sa mahigit 1, 500 inquires o mga pagtatanong ng impormasyon sa kanilang hotline numbers hinggil sa mga panuntunan sa implementasyon ng Enhance Community Quarantine (ECQ). Sa data ng JTF CV Shield nasa 1, 523 ang tinanggap na mga inquiries ng kanilang hotline numbers mula Marso 18 hanggang Abril 5 ng taong ito.
- Latest