“We ask our barangay captains and city officials to set aside differences and distribute food packs to the most affected families, favoritism and politics have no place during this time of need. Food packs should be given to those in need, regardless of political affiliation and prefe­rence,” pahayag ni Mayor Belmonte.
Boy Santos/File
Barangay chairmen, city officials binalaan ni Mayor Joy
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - April 4, 2020 - 12:00am

Kapag nagka-aberya sa pamamahagi ng relief packs

MANILA, Philippines — Binalaan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga barangay chairmen at iba pang city officials na kanyang parurusahan oras na mapatunayang bigo at may iregularidad sa pamamahagi ng  food packs at tulong sa mga residente sa lungsod sa panahon na umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ) dulot ng COVID-19 pandemic.

“We ask our barangay captains and city officials to set aside differences and distribute food packs to the most affected families, favoritism and politics have no place during this time of need. Food packs should be given to those in need, regardless of political affiliation and prefe­rence,” pahayag ni Mayor Belmonte.

Anya, sususpendihin sa trabaho ang mga opisyal ng barangay at city government kapag nilabag ang kautusan sa pamamahagi ng food packs.

“During this time of great need, we ask everyone to set politics aside and help each other. No one should be left behind,”dagdag ni  Belmonte.

Nanawagan si Belmonte sa mga taga-QC na ireklamo ang kanilang mga opisyal ng barangay sa Office of the Mayor via covid19foodrelief@quezoncity.gov.ph.

Ang pahayag ni Belmonte ay ginawa matapos makatanggap ng mga ulat na ilan sa mahihirap na taga-lunsod laluna ang mga apektadong residente ay hindi pa nakakatanggap ng relief goods mula sa lokal na pamahalaan. 

“This should not be happening because we have already distributed one million food packs in Quezon City,” paliwanag pa ni Belmonte.

Itinaas na ng city government ang food pack target para sa 750,000 families para sa Batches 3 at 4 kasama na ang mga unregistered families, transients at non-Quezon City residents na apektado ng enhanced community quarantine.

BARANGAY CHAIRMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with