^

Metro

Mister iniwan ni misis, nagbigti

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang mister na iniwan ng kanyang asawa ang nagbigti sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Concepcion Uno, Marikina City kahapon ng umaga.

Patay na ang biktimang si Wilfredo dela Cruz, 23, residente ng 110 Saint Claire Street, Barangay Concepcion Uno, nang matagpuan ng kanyang kapatid na si Carol, 19.

Sa salaysay ni Carol sa Marikina City Police, huli niyang nakitang buhay ang kapatid dakong-2:00 ng madaling araw habang umiiyak sa loob ng banyo ngunit hindi inakalang mauuwi ang insidente sa pagpapatiwakal.

Laking gulat na lang umano niya nang makitang nakabigti na ang kapatid at walang buhay sa loob ng silid nito dakong alas-8:20 ng umaga kaya kaagad na inireport sa mga awtoridad.

Sinasabing pangungulila sa misis ng biktima ang dahilan kaya naisipan nitong magpatiwakal.

Sinabi ni Carol na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang biktima at misis nito na nauwi sa hiwalayan.

Mula noon ay naging malungkutin na ang biktima hanggang makita itong nakabigti.

vuukle comment

WILFREDO DELA CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with