Telemedicine inilunsad ng Taguig City sa COVID-19 pandemic
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - March 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Upang agad na maibigay ang mga pangangailangan at pangangalaga sa mga Taguigeño at maprotektahan ang frontliners gamit ang teknolohiya habang nilalabanan ang COVID-19, inilunsad ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang Telemedicine, isang programa na pwedeng sumangguni ang mga residente sa mga doktor at medical workers ng kanilang pangangailangang medikal nang hindi na kailangang magtungo sa ospital o health center.

Sa kabila ng 31 health centers at 3 Super Health Centers na patuloy na bukas para magbigay tulong, ang mga residente ng Taguig ay maaari nang humingi ng medical assistance kahit pa na nasa loob sila ng kanilang tahanan, kung saan pwede pa silang makatanggap ng mga gamot sa pamamagitan ng door-to-door delivery sa panahon ng quarantine.

Ang mga health workers ay magdadala rin ng mga gamot at iba pang medisina sa harapan ng bahay mismo ng residenteng nangangailangan pati na rin ang iba pang medical services kagaya ng bakuna.

Ayon kay Mayor Lino Ca­yetano, ang layunin ng prog­rama ay masiguro na ang mga tao ay tumutupad sa itinakdang home quarantine, at para na rin maiwasan ng mga residente na makihalubilo sa maraming tao sa iisang lugar na pagsuway sa social distancing protocols.

“Nais namin sa Taguig na pati ang ating mga tauhan at residente ay ligtas at protektado sa nakakahawang sakit na COVID-19,” wika ni Mayor Lino.

Upang mapakinabangan ang Telemedicine program, ang residente ay maaaring tumawag sa itinakdang Telemed contact number sa kanilang barangay, kung saan ito ay pinangangasiwaan ng mga tauhan mula sa City Health Office (CHO).

Ang mga taong ito ay naka-antabay mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Kung sakali naman sa mga emergency cases, ang mga residente ay pwede ring magtungo ng diretso sa Taguig-Pateros District Hospital.

Kung ang kaso ng pas­yente ay maituturing na person under monitoring for COVID-19 o person under investigation, ang lahat ng protocols para sa COVID-19 ay ipapatupad at kailangan na masunod.

Sa mga nabibilang naman sa person under monitoring (PUM) o  person under investigation (PUI), susundin naman ang COVID-19 protocols.

 “Rest assured that we will continue to find innovative ways to ensure the welfare of our people,” dagdag pa ni Mayor Lino.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with