Matinding paglilinis, pag-sanitize sa NAIA umarangkada
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - March 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinapatupad ng Manila International Airport Authority (MIAA)  ang matinding paglilinis at pag-sanitize sa bisinidad ng Ninoy Aquiino International Airport (NAIA) para  maprotektahan ang kalusugan ng mga gumagamit ng paliparan.

Ito ay kaugnay na rin sa paglaganap ng coronavirus 0 COVID-19.

Layunin nito na maingatan ang mga  airport at airline staff, mga pasahero, at well-wishers.

Pagdating sa NAIA, ang mga kawani ng Bureau of Qua­rantine ay ini- screen ang bawat dumarating na mga pasahero gamit ang thermal scanner. Ang sinuman na screened na may above-normal body temperature ay agad hinihiwalay sa iba pang mga pasahero at para eksamin muli  ng airport physicians.

Ang mga pasaherong na-diagnosed na may mga virus ay agad na dinadala sa San Lazaro Hospital Hospital sa Maynila o sa Research Institute for Tropical Medicine sa Muntinlupa para sa paggamot at quarantine.

Magdadagdag din ang  MIAA  ng mga hand sanitizer sa apat terminals ng paliparan.  

Ang airport management ay nagtakda sa lugar nang matinding  paglilinis at sanitizing process kaya ang lahat ng mga madalas na ginagamit na mga pasilidad  kabilang ang boarding gate, boarding bridges, consourse; immigration counters, customs counters, arrival hall, departure hall, at check-in counter ay dapat na  na-sanitized.Ang madalas hinawakan ng mga tao dito ay ang elevator buttons, handrails, information counters, doorknobs, gripo at concession stands ay regular naman nalinis at may mga sanitizers upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Lahat ng mga pasahero at airport workers ay hinihikayat na i-sumite ang sarili sa medical screening sa pagdating at magsagawa ng mabuting personal na kalinisan.

MIAA NAIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with