^

Metro

4 huli sa 1.5 kilo ng marijuana

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
4 huli sa 1.5 kilo ng marijuana
Sa ulat ng pulisya, alas-7 ng gabi nang makatanggap ng sumbong ang Police Community Precinct 6 buhat sa isang concerned citizen ukol sa nagaganap na transaksyon sa ilegal na droga sa may Orchid Street, Natividad Subd. sa Brgy. 168 Deparo.
AFP/File

MANILA, Philippines — Dahil sa sumbong ng concerned citizen, nasawata ng mga pulis ang nagaganap na transaksyon sa bentahan ng marijuana na nagresulta sa pagkakaaresto sa apat na suspek, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Paul Andree Decena, 30, negosyante; Abegail Torres, 22; Wilfredo Verzosa, 29, at John Ederick Pedelino, 27.

Sa ulat ng pulisya, alas-7 ng gabi nang makatanggap ng sumbong ang Police Community Precinct 6 buhat sa isang concerned citizen ukol sa nagaganap na transaksyon sa ilegal na droga sa may Orchid Street, Natividad Subd. sa Brgy. 168 Deparo.

Agad na rumesponde ang mga pulis sa lugar at naaktuhan ang apat na suspek na kahina-hinala ang kilos. Dito naispatan ang bulto ng marijuana dahilan para sila arestuhin.

Nakumpiska sa kanilang posesyon ang nasa 1.5 kilo ng pinatuyong marijuana na may halagang P180,000, isang timbangan, at mga drug paraphernalia.

Dinala ang mga nakuhang ebidensya sa Northern Police District Crime Laboratory para isailalim sa pagsusuri habang nakaditine sa Caloocan City Police Jail ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with