Taas sahod sa contractual at job order employees ng Quezon City hall
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2020 - 12:00am

Pangako ni mayor Joy umpisa sa marso

MANILA, Philippines — Makakatanggap na ng taas sahod ang may 4,359 contractual personnel at job order employees ng Quezon City hall simula sa susunod na buwan ng Marso.

Ito ay makaraang lagdaan ni QC Mayor Joy Belmonte ang memorandum circular na naglalaan ng mas mataas na sahod sa naturang mga manggagawa na umaabot sa P13,000 per month na batay sa alituntunin ng Department of Labor and Employment (DOLE) na dapat ipasahod sa mga kawani ng lokal na pamahalaan.

“It is our responsibility, especially us in the go-vernment to adhere to the law and give our emplo-yees dignified and equitable working conditions. Lahat ng manggagawa ay dapat magkaroon ng kakayahang makabili ng kanilang pangunahing pangangailangan,” pahayag ni Belmonte.

Sinabi ni Belmonte na ginawa ang pagtaas ng take-home pay ng naturang mga empleyado makaraang malaman na may ilan pa ring mga tauhan sa lokal na pamahalaan ang sumasahod  ng P8,000 kahit na nagtatrabaho ng 40 hours o higit pa sa isang linggo lalo na ang mga community health workers.

Kaugnay nito, sinabi ni Don Javillonar, Assistant to the City Administrator na ang naturang circular ay layuning maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga taga-QC lalo na ng mga tauhan sa QC hall at mai-promote ang professionalism.

Sa ilalim ng nilagdaang Memorandum Circular No. 4, S. 2020, ang mga non-plantilla contractual at job order personnel na na-clasify bilang administrative clerical, at non-technical employees na nagtatrabaho ng may 40 oras kada linggo ay tatanggap ng P13,000 kada buwan.

Samantala ang mga Professional-Technical emplo-yees tulad ng nurses, medical technologists, veterinarians, computer programmers, at accountants ay tatanggap ng P20,000 per month; at ang Professional-Highly Technical personnel tulad ng lawyers at doctors ay tatanggap ng sahod na P35,000 kada buwan.

JOB ORDER JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with