Mahigit 110K PUV drayber at operator, handang-handa na sa modernization
(Pilipino Star Ngayon) - February 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umabot na sa 1,131 kooperatibang pangtranspor­tasyon na binubuo ng 110,909 drayber at operator ng Public Utility Vehicle (PUV) ang mayroon nang akreditasyon sa ilalim ng PUV Modernization Program (PUVMP) batay sa pinakabagong datos mula sa Office of Transportation Cooperatives(OTC), isang ahensya ng Department of Transportation (DOTr).

“Hinihikayat namin ang lahat ng mga grupong pangtransportasyon na tularan ang mga kooperatibang ito na handa na sa modernisasyon ng kanilang mga prangkisa.  Patunay ito na dumarami ang mga drayber at operator na sumusuporta sa layunin ng gobyerno na magpatupad ng maayos at ligtas na sistemang pangtransportasyon para sa ating mga pasahero,” sabi ni DOTr Assistant Secretary Steve Pastor ng Road Transport and Infrastructure.

Halos nag-triple na ang bilang ng mga kooberatibang pangtransportasyon mula sa naitalang 429 na grupo bago mailunsad ang PUVMP noong 2017. Kampante ang DOTr na dadami pa ang mabubuong kooperatiba ng mga drayber at operator na PUVMP-compliant bago sumapit ang deadline ng pagsunod sa PUVMP sa Hunyo 2020.

Ang pagbuo ng koopera­tiba ay magpapalakas ng kakayahang pinansyal sa pagbili ng mga bagong yunit ng PUV.  Sa halip na ang mga drayber at operator ang bibili ng mga bagong yunit ng PUV, maa­aring umutang ang kooperatiba sa mga bangko na nag-aalok ng pinansyal na tulong para makasunod sila sa PUVMP.

Idinagdag ni Pastor na bagamat nakatakda na ang deadline ng pagpapatupad ng PUVMP sa Hunyo,  binigyan ng DOTr ng konsiderasyon ang mga indibidwal na PUV drayber at grupong pangtransportasyon na hindi makakapag-modernize pagsapit ng Hunyo 2020.

MODERNIZATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with