Oil price hike muling sisirit
MANILA, Philippines — Nagtapos na ang sunud-sunod na linggong rollback dahil sa inaasahang pagsirit sa presyo ng petrolyo sa darating na linggo.
Sa pagtataya ng mga oil industry experts, nasa pagitan ng P.30-P.40 sentimos kada litro ang itataas sa presyo ng gasolina at kerosene.
Magtataas din sa presyo ng diesel na gamit ng mga pampasaherong behikulo na tinatayang P.10- P.20 sentimos kada litro.
Bago ito, ang umiiral na presyo ng petrolyo ay mula P42.87-P55.31 kada litro, habang ang diesel ay mula P35.50 -P42.02 kada litro.
Apat na magkasunod na nagkaroon ng rollback dahil sa pagbulusok sa presyo ng langis sa internasyunal na merkado dulot ng pagbaba ng demand sanhi ng takot sa COVID-19.
Noong nakaraang linggo, dagdag-bawas ang ipinatupad ng mga kompanya ng langis dahil sa pag-stable na ng suplay at demand sa langis.
- Latest