^

Metro

48-anyos na bedridden binurdahan ng bala sa mukha

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay  ang isang 48- anyos na stroke victim nang pagbabarilin ng anim na kalalakihang pawang  nakasuot ng face masks, crash helmets at jackets habang ang una ay natutulog sa kaniyang barung-barong sa gilid ng riles ng tren, sa Old Antipolo St., Blumentritt, Sta Cruz, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Hindi na umabot ng buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Ricardo Ma, residente ng Old Antipolo St., Blumentritt, Sta. Cruz, Maynila, bunga ng mga tinamong tama ng bala   sa mukha.

Sa ulat ni P/Executive Master Sgt. Charles John Duran, dakong alas- 12:00 ng madaling araw kahapon nang maganap ang krimen sa mismong barung-barong ng biktima.

Sa imbestigasyon, natutulog na ang biktima nang magsidatingan ang anim na lalaki at sunud-sunod na putok ang pinakawalan na sa mukha lahat tumama.

Nang matapos ang pamamaril ay nagsitakas ang mga suspek na sumakay sa mga scooter.

Naitakbo naman sa naturang pagamutan ang biktima na  idineklara ring dead-on-arrival ala-1:38 ng madaling araw.

Noong nakalipas na taon nang ma-stroke umano ang biktima at naisipang sa gilid na lang ng riles ng Philippine National Railways (PNR) magtayo ng barung-barong na kaniyang pahingahan at tulugan.

vuukle comment

CHARLES JOHN DURAN

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with