Sinisiyasat ng mga tauhan ng PNP-SOCO ang bangkay ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na nagtamo ng mara­ming tama ng bala sa katawan at bumulagta sa tabi ng isang SUV sa Pasig City.
Miguel de Guzman
2 lalaki natagpuang patay sa tabi ng SUV sa Pasig
.Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - February 19, 2020 - 12:00am

PASIG, Philippines — Dalawang lalaki  na may mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan, ang natagpuang patay sa tabi ng isang sports utility vehicle (SUV)  na nakaparada malapit sa Manggahan Floodway sa Brgy. Sta. Lucia, Pasig City kahapon ng madaling araw.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga biktima, gayundin ng mga salarin sa krimen.

Batay sa ulat ng Pasig City Police, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang madiskubre ang mga bangkay na nakahandusay sa tabi ng isang puting Mitsubishi Montero, na walang plaka, at nakaparada sa East Bank Road, Brgy. Sta. Lucia.

Sa imbestigasyon, lumilitaw na nakarinig na lamang ng mga putok ng baril ang mga residente sa lugar.

Matapos ang ilang sandali, isang testigo ang nagtungo sa lugar at dito nadiskubre ang mga duguang biktima kaya’t inireport sa pulisya.

Rumesponde naman ang Pasig Emergency Unit ngunit idineklara nang patay ang mga biktima, na hindi umano taga-Pasig ngunit posibleng magkakilala ang mga ito.

Wala na rin ang mga salarin sa krimen.

Inaalam naman ng mga awtoridad kung posibleng may kinalaman sa transaksiyon sa ilegal na droga ang krimen matapos na makadiskubre ng dalawang pakete ng shabu mula sa eyeglass case ng isa sa mga biktima, na tinatayang nagkakahalaga ng P100,000.

Patuloy ang imbestigasyon sa kaso.

PASIG EMERGENCY UNIT SUV
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with