Kahapon ng umaga, nagkita muli ang biktima na si Anne Pelos kasama si LGBT Pilipinas Secretary General Dindi Tan at ang dalawang pulis na sina Patrolman Timmy Paez at PCpl Juliet Atal.
STAR/Edd Gumban/File
2 pulis sa transgender profiling, nagsori!
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Personal na humingi ng tawad ang dalawang tauhan ng Makati City Police sa transgender na call center agent na mistulang pinilit nilang imbitahin para isailalim sa profiling noong Valentine’s Day.

Kahapon ng umaga, nagkita muli ang biktima na si Anne Pelos kasama si LGBT Pilipinas Secretary General Dindi Tan at ang dalawang pulis na sina Patrolman Timmy Paez at PCpl Juliet Atal.

Bukas-loob namang pinatawad ni Pelos ang dalawang pulis na humarang sa kanya sa Makati Avenue nitong Pebrero 14 at tila pinipilit siyang isama sa presinto para sa profiling na hindi naman nila maipaliwanag. Nakunan ng video ang pangyayari at nag-viral sa social media.

Sa kabila na pinatawad sila ni Pelos, tuloy ang ‘relief order’ sa kanila ni Makati City Police chief, Col. Rogelio Simon. Sasailalim sila sa ‘gender awareness and development seminars’ para mas maging epektibo sa kanilang tungkulin at pakikitungo sa mga miyembro ng LGBT.

Nilinaw rin ni Simon kay Pelos at Tan na wala silang ipinatutupad na ‘Oplan X-Men’ sa lungsod at hindi ito ginagamit para i-single out ang mga miyembro ng LGBT community.

ANNE PELOS GENERAL DINDI TAN LGBT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with