Star witness sa massacre, nilikida
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang 53-anyos na ginang na sinasabing police asset at star witness sa Sta. Cruz, Manila massacre noong 2012 nang paulanan ng bala ng ‘di pa natutukoy ng riding-in-tandem habang naglalakad sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan, nasawi noon din ang biktimang si Myrna Tandiama, may kinakasama, at residente ng Herrera St., Tondo, Maynila.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-5:40 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa biktima sa panulukan ng Yuseco at Ilustre Sts., sakop ng Barangay 225 Sta. Cruz, Maynila.

Habang naglalakad ang biktima sa nasabing lugar ay biglang sumulpot ang mga salarin sakay ng isang motor saka pinagbabaril ang biktima na tinamaan sa likod ng katawan, kanang tenga, at kaliwang kamay na agad nitong ikinasawi.

Nabatid na bago ang pamamaslang sa biktima ay kumuha pa ito ng certificate to file action sa barangay hall para tuluyang ireklamo ang isang barangay official sa kanilang lugar na nangha-harass umano sa kanya matapos silang ‘di magkasundo sa paghaharap sa barangay.

Matapos umano iyon ay may napansin na ang mga kapitbahay na paikut-ikot na lalaking naghahanap sa biktima sa kanilang lugar.

Si Tandiama ang tumayong pangunahing witness laban sa isang barangay tanod na si Nestor Delizalde na itinurong suspek makaraang makita ni Tandiama na lumabas ito galing sa isang bahay kung saan nadiskubreng pinatay sa saksak ang isang Evelyn Tan, opisyal sa isang kilalang bangko; ina nito na 74-anyos na si Teresa; at 22-anyos na kasambahay na si Kristina Bartolay noong November 11, 2012.

STAR WITNESS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with