Power outage sa Metro Manila, karatig-lugar ipatutupad
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ilang lugar sa Metro Manila at mga karatig-lugar ang makararanas ng power interruption ngayong linggo bunsod ng maintenance works o pagkukumpuni na gagawin ng Manila Electric Company (Meralco).

Sa inilabas na maintenance schedule ng Meralco, nabatid na ang maintenance works, na magdudulot ng pansamantalang power interruption ay isasagawa mula ngayong araw, Pebrero 17, Lunes, hanggang Pebrero 23, Linggo.

Sa Pebrero 17, maapektuhan ang Holy Spirit sa Quezon City dahil sa reconductoring ng mga pangunahing linya sa Paraluman St. sa Isidora Hills Subd.; gayundin ang ilang lugar sa Sta. Rosa City sa Laguna dahil sa gagawing paglilinis ng mga poste Bgy. Balibago, Sta. Rosa City, Laguna dahil sa ash fall bunsod ng Taal Volcano eruption

Sa Pebrero 18 naman, ang power interruption ay ipatutupad sa mga bayan ng Sta. Rosa, Biñan, at Calamba City sa Laguna; at Pagbilao sa Quezon Province.

Sa Pebrero 19, apektado ang Novaliches, Quezon City; Cupang, Muntinlupa City; at at Project 4, Quezon City.

Sa Pebrero 19 at 20 naman, apektado ang Talisay, Batangas; Tagaytay City at Silang sa Cavite; at Cabuyao sa Laguna dahil sa pag-install ng mga bagong pasilidad at karagdagang lightning protection devices.

Sa Pebrero 20 naman, makakaranas ng pansamantalang pagkawala ng kur­yente ang Midtown Executive Homes sa Paco, Manila dahil sa line conversion works sa loob ng Midtown Executive Homes.

Mula Pebrero 21 hanggang 23 ay maaapektuhan ang mga sumusunod na lugar: Rodriguez at San Mateo, Rizal; Marikina City; at Merville sa Parañaque City. Bgy. Rosario, Manggahan sa Pasig City; Tuktukan sa Taguig City; Liliw, Nagcarlan, Rizal, Magdalena, Majayjay at Sta. Cruz sa Laguna.

 

POWER OUTAGE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with