Ang student drivers license ay inisyal na lisensiya para mag-aral na makapagmaneho pero hindi pa ito maaaring magdala ng sasakyan sa kalsada ng walang kasamang indibidwal na may professional drivers license permit.
STAR/ File
15 oras na training bago makakuha ng student drivers’ license
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - February 16, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kailangang sumailalim sa 15 hours ­training  sa alinmang accredited driving school ang isang aplikante bago ito maisyuhan ng students license permit para madisiplina ang mga ito sa pagmamaneho at malaman ang mga batas at patakaran tungkol sa Transportation Laws.

Ang student drivers license ay inisyal na lisensiya para mag-aral na makapagmaneho pero hindi pa ito maaaring magdala ng sasakyan sa kalsada ng walang kasamang indibidwal na may professional drivers license permit.

Makaraan ang isang buwang pagkakaroon ng student drivers license ay maaari nang makakuha ang driver ng non-professional drivers license permit , ang lisensiya na karaniwang hawak ng mga private car drivers.

Kung nais magkaroon ng professional drivers license at magmamaneho ng pampasaherong sasakyan, kailangang ang student drivers license ay may tagal na 5 buwan at kakailanganin na rin ng NBI clearance o Police clearance kung nais magkaroon ng professional drivers license.

Ginawa ng LTO na sumailalim muna sa 15 hours training ang aplikante ng student drivers license  dahil sa ulat ng MMDA na may  12,000 drivers sa  Metro Manila ay may minimum na tatlong traffic violations sa kalsada.

NBI TRANSPORTATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with