Sa 111 kataong nahuli, kasama ditong na-rescue ang 7 kabataan mula sa isinagawang 62 anti-gambling ope­rations sa lungsod. Nakapagsampa na ng 33 kaso laban sa mga suspek kaugnay ng paglabag sa PD 1602.
Boy Santos/File
Higit 100 huli sa illegal gambling sa Quezon City - Mayor Joy Belmonte
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - February 13, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 111 katao ang nahuli sa Quezon City mula nang magsimulang ipatupad ang all-out crackdown ng lokal na pamahala-an laban sa lahat ng uri ng bawal na sugal sa lungsod.

Sa 111 kataong nahuli, kasama ditong na-rescue ang 7 kabataan mula sa isinagawang 62 anti-gambling ope­rations sa lungsod. Nakapagsampa na ng 33 kaso laban sa mga suspek kaugnay ng paglabag sa PD 1602.

“We commend the QCPD, headed by B/Gen. Ronnie Siroy Montejo, for heeding our call to strengthen its crackdown on illegal gambling in our city, pero hindi pa rito natatapos ang kampanya dahil umpisa pa lang ito ng tuluy-tuloy nating laban kontra ilegal na sugal. Tiwala ako na hindi titigil ang ating kapulisan hanggang sa masugpo natin ito,” pahayag QC Mayor Joy Belmonte.

Ang police raids ay ginawa sa La Loma, Masambong,Talipapa, Novaliches, Fairview at Batasan Hills gayundin sa Cubao, Project 4, Anonas, Kamuning at Galas .

Huli ang mga suspek sa illegal gambling na video karera, cara y cruz, card games, tupada at loteng.

Kaugnay nito, pina­alalahanan ni Belmonte ang lahat ng  142 bara-ngay chairmen ng QC na higpitan ang pagpapatupad sa lokal na ordinansa sa illegal gambling at subaybayan at iulat agad ang anumang makikitang may ilegal na pasugalan sa nasasakupan.

Pinayuhan naman ni Belmonte ang mga taga QC na tumawag sa city’s Hotline 122 at sa QCPD’s hotline 09175410621 para i-report ang anumang mapapatunayang ilegal na pasugalan sa kanilang lugar.

ILLEGAL GAMBLING JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with