Sa inisyal na impormasyon mula sa immigration dumating ang Eva Air sa NAIA terminal 1 galing Taiwan at nakatakdang sumakay sana ang 11 Pinoy kasama ang 54 Chinese national na pasahero rin ng Eva Air flight via Taiwan.
AFP/Romeo Gacad
11 Pinoy patungong Taiwan, pinigilan
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - February 12, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines – Labing-isang  Pinoy workers ang hindi na pinaalis  patungong Taiwan matapos na pigilan sila ng Immigration authority sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, kahapon.

Sa inisyal na impormasyon mula sa immigration dumating ang Eva Air sa NAIA terminal 1 galing Taiwan at nakatakdang sumakay sana ang 11 Pinoy kasama ang 54 Chinese national na pasahero rin ng Eva Air flight via Taiwan.

Ayon sa Immigration, ang pagharang sa mga Chinese national at pagpigil sa mga Pinoy na makalabas ng bansa patungong Taiwan ay dahil sa bagong travel ban mula at papuntang Taiwan dahil pa rin sa banta ng novel Coronavirus respiratory disease.

Nauna nang kinansela ng pamahalaan ng Pilipinas ang pagbisita o pagtungo sa iba’t ibang lugar sa China ng magkaroon ng deadly virus.

Hindi na rin papayagan na makapasok ng Pilipinas ang mga dayuhan mula sa bansang apektado ng mapanganib na virus  kabilang na rito ang bansang Taiwan.

TAIWAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with