Quezon City naglaan ng P3.7 bilyon sa pailaw sa mga lansangan vs krimen

MANILA, Philippines – Naglaan ang Quezon City government ng may P3.7 bilyong pondo para sa paglalagay ng 24,880 street lights sa lahat ng mga lugar sa anim na distrito ng lungsod ngayong taon.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, ang street-lighting program ay bahagi ng kanyang 14-point agenda na layong maibsan ang krimen sa lungsod. “Since most crimes are committed in dark streets and alleys, we want to provide additional protection to our people by installing new street lamp posts that will illuminate our barangays, roads, and other public places, the need to have a well-lit community is one of the basic requirements for the safety of its constituents,”pahayag ni Belmonte.

Anya ang pailaw sa mga lansangan ay magsisilbing hadlang sa krimen at mapapalawak ang  road visibility para sa mga pedestrians at motorista gayundin ang kaayusan ng mga komtunidad.

Isang task force ang binuo ni Belmonte na pangangasiwaan ng city administrator upang matiyak na maayos at akma ang mga streetlights sa lungsod.

Show comments