Nasunugan na, kinikilan pa: 3 bumbero arestado

MANILA, Philippines — Arestado ang tatlong tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa ikinasang entrapment operation ng Navotas City Police dahil sa sumbong na pangongotong sa isang senior citizen na nasunugan ng garahe, kamakalawa ng hapon sa naturang lungsod.

Kinilala ang mga nadakip na sina SF02 Benjamin Mabborang Jr., 47; FO1 Federico Sablay II, 28 at FO1 Kimberly Reyes, 29, pawang mga nakatalaga sa BFP-Navotas City.

Sa ulat ng pulisya, ala-1:30 kamakalawa ng hapon nang arestuhin ang tatlo sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Navotas City Police Station-Investigation Branch sa pangu­nguna ni P/Lt Charlie Bontigao sa may Nicasio Street, Brgy. San Rafael Village, ng naturang lungsod.

Nag-ugat ang operasyon sa sumbong ng 67-anyos na si Jessie Que, residente ng Brgy. Bahay Toro, Quezon City na nagsabing nanghingi umano si FO1 Sablay sa kanya ng P100,000 para mailabas ang Fire Incident Report at Recovery Permit ukol sa pagkakasunog ng kaniyang garahe nitong Pebrero 1.

Sa operasyon, hindi na nakapalag si FO1 Sablay nang arestuhin ng mga pulis matapos na tanggapin ang marked money buhat kay Que.  Inaresto rin ang mga kasama niyang sina SFO1 Mabborang at FO1 Reyes.

 

Show comments