PCSO, lilikha ng bagong laro
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - February 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na lilikha sila ng mga bagong laro upang  malaki ang kitain at mas maraming mamamayan na nangangailangan ang kanilang matulungan.

Sa isang press confe­rence, sinabi ni PCSO Assis­tant General Mana­ger for Gaming Arnel Casas na marami silang bagong laro na ikinakasa sa nga­yon upang makahikayat pa ng mga mamamayan na makiisa at sumali sa “game of charity”.

Bukod dito, plano rin aniya nilang i-repackage ang iba pa nilang mga games na hindi masyadong tinangkilik ng publiko upang makabawi ang mga ito mula sa mababang kita.

Ayon naman kay PCSO General Manager Royina Marzan-Garma, na kumita ang PCSO ng mahigit P44 bilyon  noong nakaraang taon.

Mas mababa umano ito ng 31 porsiyento kumpara noong nakaraang 2018, na nakapagtala ng P63.5 bilyong kita.

Ipinaliwanag ni Garma na ang pagbaba ng kita ay epekto sa kanila ng Train Law.

Bumaba rin umano ang kita sa lotto mula sa dating P31 bilyon noong 2018 ay naging P21 bil­yon na lamang ito.

Nagsimula ang pagbaba ng profit sa lotto matapos na mapanalunan ang P1.18 bilyon na jackpot prize noong 2018.

Bukod sa pagbuo ng mga bagong palaro, plano rin nilang palitan ang pangalan ng ilang PCSO games, babaan ang halaga ng taya sa Keno games mula sa dating P12 ay gawing P10 at ipatupad ang balik taya para sa Lotto at Keno games. 

Tiniyak din ni Garma na hindi sila titigil sa pagkakaloob ng tulong sa mga taong nangangailangan ng financial support para sa kanilang gamot, gayundin sa mga biktima ng kala­midad.

Sa kasalukuyan, kabilang sa mga PCSO games ay lotto, Keno, Small Town Lottery (STL), Peryahan, Instant Sweepstakes, at iba pa. 

 

PCSO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with