^

Metro

DOE todo-bantay sa implementasyon ng Train Law

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
DOE todo-bantay sa implementasyon ng Train Law
Nakatutok dito ang Oil Industry Management Bureau (OIMB) ng DOE para matiyak na hindi lalagpas sa takdang halaga ng bagong buwis ang idadagdag ng mga gasoline station.
The STAR/Artemio A. Dumlao

MANILA, Philippines — Mahigpit na binabantayan ngayon ng Department of Energy (DOE) ang implementasyon ng ikatlo at huling sultada ng excise tax sa petrolyo sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law laban sa anumang uri ng paglabag.

Nakatutok dito ang Oil Industry Management Bureau (OIMB) ng DOE para matiyak na hindi lalagpas sa takdang halaga ng bagong buwis ang idadagdag ng mga gasoline station.

Naging epektibo ang ikatlong tranche ng excise tax nitong Enero 1, 2020 ngunit kinailangan pang matiyak na ubos na ang imbentaryo ng suplay ng petrolyo ng mga gasolinahan bago ito ipatupad.

Sa ilalim ng ikatlong excise tax, itataas ng P1 ang kada litro ng gasolina, P1.50 sa diesel at P1 kada kilo ng liquefied petroleum gas (LPG). May dagdag pa itong 12 porsyentong Value Added Tax (VAT) kaya tataas ito sa P1.12 kada litro sa gasolina at kada kilo ng LPG at P1.68 sa kada litro ng diesel.

Partikular dito ang mga stock na mula pa noong Disyembre 31, 2019 ay hindi dapat patawan ng bagong buwis. Kailangan din na magkabit ang mga gasolinahan ng mga tarpaulin banners na nagpapaliwanag na nagpapatupad na sila ng bagong excise tax.

Sa kanilang datos nitong Enero 24, nasa 48 mula sa 67 LPG depots at 40 sa 116 ‘liquid fuel depots’ na ang nagpatupad ng bagong buwis makaraang maubos na ang kanilang mga imbentaryo noong 2019.  Apat sa 297 LPG refilling plants rin ang nag-umpisa nang magpatupad nito.

Sa kasalukuyan, ipinaalam na sa DOE ng Pilipinas Shell, PTT, Chevron, PetroGazz, Seaoil at Total na may higit 900 gasolinahan ang intensyon nilang iimplementa na ang dagdag na excise tax. Ito ay nasa 10 pors­yento sa 9,003 gasolinahan sa buong bansa.

vuukle comment

TRAIN LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with