^

Metro

Pasyenteng naka-confine sa Maynila negatibo sa NCoV

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinawi ng Manila Health Department ang pangamba ng publiko sa isyu na isang Chinese worker na naka-confine sa Metropolitan Hospital sa Masangkay St. Binondo ang umano’y nagpositibo sa novel Coronavirus.

Sa report na tinanggap ni Manila Mayor Isko Moreno mula kay Manila City Health Officer Dr. Arnold Pangan, nakasaad na walang katotohanan na mayroong novel coronavirus ang 27-anyos na Chinese na naka-confine ngayon sa nasabing ospital simula pa noong Sabado dahil sa ubo at lagnat.

Na-diagnose ang naturang Chinese national ng community acquired pneumonia subalit negatibo sa NCoV at maayos na ang kalagayan.

Dumating sa bansa ang banyaga noong Enero 8 na mula sa Obei, China. Wala naman din itong history na nanggaling sa Wuhan, China.

Samantala, umapela naman si Moreno sa publiko na tigilan ang pagpapakalat sa online ng mga ‘unverified information’. Aniya, huwag nang palalain pa ang situwasyon.

Payo ni Moreno sa publiko na maging alerto at handa sa pamamagitan ng pagkonsulta sa doktor sakaling makaranas ng pag-ubo at lagnat.

vuukle comment

ISKO MORENO

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with