Si Quezon City Mayor Joy Belmonte matapos na makipagpulong sa mga opisyal ng ibat-ibang supermarket, groceries at retailers para malabanan ang African Swine Flu. Kasabay nito pinir­mahan din ng Mayor ang executive order na may kinalaman sa retail policies na ipatutupad sa lungsod.
Boy Santos
Pagdedeklara ng DA na ASF free ang Quezon City, hangad ni Mayor Joy Belmonte
(Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinahayag ni Quezon City  Mayor Joy Belmonte na pangarap niyang maideklara ng Department of Agriculture (DA) na ASF free ang Que­zon City.

Sa press conference sa QC hall kahapon, sinabi ni Belmonte na bagamat noon pa mang Nobyembre ng nagdaang taon ay contained na sa ASF ang lungsod, may mga nagsusulputan pa ring mga ilang kaso pero ito ay isolated case lamang dahil ang karne na naibenta sa dalawang supermarket na may ASF nitong Enero ay mula sa Bulacan.

Idinagdag pa nito sa ngayon ay mga supermarket na ang kanilang tinututukan kontra ASF dahil wala ng backyard hog raiser sa QC at maging sa mga palengke ay wala na ring makikitang ASF contaminated meat dahil bantay sarado ang lokal na pamahalaan sa usaping ito.

“Tayo po ay patuloy na nagbabantay at nagpapatupad ng mga kampanya para hindi na muling lumitaw ang ASF sa QC. Patuloy po ang ating ugnayan sa Department of Agriculture para pagtulungan na wala ng makakapasok na mga meat products na contaminated ng ASF” dagdag ni Belmonte.

Kaugnay nito, inamin naman ni Director Reildrin Morales ng National Meat Inspection Service (NMIS) ng DA na kulang sila sa tao para matamang bantayan ang mga karne na pumapasok sa Metro Manila.

Bagamat ginagawa ang lahat ng NMIS na walang maibebentang produktong karne ng baboy na may ASF, may ilan pa rin ang gumagawa ng ilegal para makarating sa mga pamilihan ang contaminated na karne.

Una rito, nagpalabas si Belmonte ng isang executive order upang maiwasan ang pagpasok sa QC ng mga produktong karne ng baboy na may ASF sa mga retailers, groceries at supermarkets.

ASF JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with