^

Metro

Ginang ‘tumira’ muna ng droga bago bumisita sa anak sa selda, inaresto

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaresto ang isang ginang matapos mahulihan ng drug paraphernalia habang papasok sa bilangguan upang bisitahin ang kanyang nakapiit na anak sa Pasig City Jail, kahapon.

Ang suspek ay na­kilalang si Celia Birol, 40, at residente ng Phase 2, Block 14, Bugin, Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Batay sa ulat ng Pasig City Police, dakong alas-2:00 ng hapon nang maaresto ang suspek habang papasok ng Pasig City Jail, na matatagpuan sa Molave Street, Nagpayong, Brgy. Pinagbuhatan.

Dadalawin sana ng suspek ang kanyang anak, na nakapiit din sa naturang bilangguan simu­la pa noong Set­yembre 2019 dahil sa drug charges, nang ares­tuhin ng mga awtoridad matapos na makumpiskahan ng tatlong aluminum foil na may bakas pa ng shabu, at nakalagay sa sisidlan ng salamin sa mata.

Ang naturang eyeglass case ay nakuha ng mga awtoridad sa dalang eco bag ng suspek, na siya ring pinagsidlan niya ng mga pagkain at iba pang suplay na ihahatid sana niya sa kanyang nakakulong na anak.

Ayon sa pulisya, sa interogasyon ay inamin umano ng suspek na bumatak muna siya ng ilegal na droga bago bumisita sa anak ngunit nadala ang mga naturang drug paraphernalia nang magtungo sa piitan, na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Ang suspek ay nakapiit na rin sa Pasig Police detention cell at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa piskalya.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with