Binaba ni Senator Bong Go ang mga rider ng Ang­kas na nagrali sa harap ng Senado kung saan humihiling para sa legalization ng ‘motor taxis’ kung saan nga tinerminate nang LTFRB ang pilot run nito. Hiniling ni Go sa DOTr at LTFRB na huwag ipahin­to ang operasyon ng mga ito hanggat isinasagawa ang pag-aaral ukol dito.
The STAR/Geremy Pintolo
Mga senador todo saklolo pilot run ng ‘motorcycle taxis’ kinansela
Angie dela Cruz, Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Wala pang magaganap na pag-aresto sa mga motorcycle taxis tulad ng Angkas at JoyRide sa kabila nang pag-terminate sa pilot run nito kung saan magiging ilegal na ang mga ito sa susunod na linggo.

Ito ay makaraang hilingin ni Sen. Bong Go kina DOTr Sec. Arthur Tugade at LTFRB Chairman Martin Delgra III na payagan na munang makabiyahe ang mga motorcycle taxis.

Sinabi ni Sen. Go na kung maaari ay ma-extend ang operations at pag-usapan na lang muna habang inaantay ang pag-amend sa batas nang hindi mawalan ng trabaho ang mga apektadong rider.

Kasabay naman nito, patu­loy pa rin ang isasagawang pag-aaral ng technical working group (TWG) ukol sa motorcycle taxis.

Una nang inihayag ni LTFRB  board member Antonio Gardiola Jr, head ng TWG na magiging ilegal sa susunod na linggo ang mga motorcycle taxis tulad ng Angkas at JoyRide dahil hindi pa sila nakakadesisyon kung nararapat  bang gamiting pampasahero ang motorsiklo.

Isa kasi sa tinitingnan ng LTFRB ay kung ligtas ang mga pasahero sa pagsakay sa motorsiklo bilang isang pampasaherong sasakyan.  

Anya irerekomenda na rin ng LTFRB ang pag terminate sa pilot study ng motorcycle taxis dahil hindi sila makaka­lap ng mga impormasyon para makabuo ng desisyon  dahil sa mga legal impediments.

Nauna na ring nagbabala ang LTFRB sa mga mahuhu­ling motorcycle taxi na mag-o-operate pa rin sa susunod na linggo ay huhulihin at iimpound ang sasakyan.

Binigyang diin nito na nasa proseso pa rin ng pag aaral ang LTFRB hinggil sa usapin ng motorcycle taxis.

Sa ngayon may 70,000 bilang ang motorcycle taxi na Angkas. Ginawang P10,000 na lamang ang bilang nito para ma-accomodate ng ibang players tulad ng JoyRide pero hanggang sa kasalukuyan ay wala pang malinaw na patakaran ang LTFRB sa pagpayag na gawin itong legal.

BONG GO MOTORCYCLE TAXIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with