4 Tsino timbog sa tangkang kidnapping
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng apat na Chinese nationals matapos dakipin ng mga tanod ng barangay makaraang tangkaing dukutin ang isang dalagang Pilipina nitong nakaraang Biyernes ng gabi sa Makati City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Weird She, 28; Well In Bei, 25; Xiaohui Sun, 22 at So Chen, 26, pawang mga nanunuluyan sa Central Park Condominium, Pasay City.

Itinuro sila ng biktimang si Gella Maniti, 18-anyos, na nagtangkang dumukot sa kanya malapit sa kanyang tinutuluyang bahay sa may Einstein St., Brgy. San Isidro, ng naturang lungsod dakong alas-10:00 noong Biyernes ng gabi.

Ayon sa mga barangay tanod, isinasara nila ang gate sa may Marconi St. nang makita ang komosyon.

Agad silang rumesponde ngunit nagtatakbo ang anim na suspek.  Dito nila napag-alaman ang tangkang pagdukot kay Maniti ng mga suspek makaraang bumaba ang biktima sa sinakyang taxi.

Hinabol ng mga tanod ang mga tumatakas na suspek na nagresulta sa pagkakadakip sa apat sa kanila habang nakatakas ang dalawa pa.

Tikom ang bibig ng mga suspek sa dahilan ng kanilang tangkang pagdukot sa dalaga habang nahaharap sila ngayon sa kasong Attempted Kidnapping sa Makati City Prosecutor’s Office.

CHINESE NATIONALS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with