^

Metro

Ex-child actor kalaboso sa pananaksak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Ex-child actor kalaboso sa pananaksak
Ang biktima ay isinugod sa Amang Rodriguez Rizal upang malapatan ng lunas sa tinamong saksak sa likurang bahagi ng katawan at ulo bukod pa sa tinamong mga pasa sa pakikipagsuntukan sa dating actor.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dinakip at ikinulong ang dating sikat na child actor na si Jiro Katkura Manio makaraang manaksak ng isang lalaki sa Barangay San Roque, Marikina City nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni Marikina City Police Chief Police Colonel Restituto Arcanghel ang nag­reklamong biktima na si Zeus Doctolero, 25 anyos, binata, residente ng #251  M.A. Roxas Street, Brgy. San Roque.

 Ang biktima ay isinugod sa Amang Rodriguez Rizal upang malapatan ng lunas sa tinamong saksak  sa likurang bahagi ng katawan at ulo bukod pa sa tinamong mga pasa sa pakikipagsuntukan sa dating actor.

 Inireklamo nito si Manio, 27 anyos, isang eatery helper at residente ng M.A. Roxas Street, Brgy. San Roque.

 Sa imbestigasyon, naglalakad si Doctolero kasama ang isa nitong kaibigan sa kahabaan ng M.A. Roxas Street., Brgy. San Roque dakong alas-7:20 ng gabi ng Biyernes nang makasalubong nila si Manio.

Ayon sa biktima, bigla na lamang siyang dinaluhong ng suntok ni Manio sa hindi pa malamang dahilan kaya naki­pagsuntukan na rin siya dito upang ipagtanggol ang kaniyang sarili.

 Gayunman, bigla na lamang bumunot ng patalim si Manio at sinaksak ang biktima ng tatlong beses. Sa presinto, ikinatwiran naman ni Manio na hinampas umano siya ng helmet ng biktima.

 Nagawa namang maki­pag-agawan ng biktima sa patalim na nabali ang puluhan sa insidente. Sumaklolo naman ang mga Brgy. Tanod na isinugod sa pagamutan ang biktima habang si Manio ay dinala sa presinto ng pulisya.

Kasalukuyan na ngayong humihimas ng rehas na bakal ang dating actor na nahaharap sa kasong frustrated homicide.

Magugunita na si Manio ay nagwagi ng Best Child Actor sa papel nito sa pelikulang Magnifico noong 2014. Samantalang noong 2015 ay nakita si Manio na nagkakalat sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 kung saan sinasabing nasa impluwensya ito ng droga at tinulungan ng comedy actress na si Ai Ai delas Alas para sumailalim sa rehabilitasyon.

vuukle comment

JIRO KATKURA MANIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with