Bagong TRO ng Angkas ibinasura

May petsang Enero 10 ang desisyon ni Umali na nagbabasura sa petisyon ng Angkas.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Tinanggihan ni Mandaluyong Regional Trial Court Branch 212 Judge Rizalina Capco-Umali ang petisyon ng ride-hailing firm na Angkas na humihingi ng isa pang temporary restraining order laban sa limitasyong ipinataw ng Department of Transportation at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa bilang ng mga rider sa isinasagawang motorcy-cle taxi pilot run.

May petsang Enero 10 ang desisyon ni Umali na nagbabasura sa petisyon ng Angkas.

Sinabi ni Umali na ang TRO ay meron ding kahalintulad na action na hinihingi sa main case ng injunction na pigilin ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga patakaran nito.

Sinabi pa ng korte na iniisip nito na hangga’t maaari ay iwasan ang pagpapalabas ng writ na makakapagba-sura sa pangunahing kaso nang walang paglilitis o due process.

Sinabi pa ng korte na merong presumption of regularity ang DOTR at LTFRB sa paggampan ng opisyal nitong tungkulin.

Sa ilalim ng Revised General Guidelines para sa unang pagpapatupad ng motorcycle taxis, makakasama rito ang 30,000 rider sa Metro Manila at 9,000 sa Cebu. Maghahati rito ang Angkas, Joy Ride at Move It.

Show comments