Sabi ni Talusan, ang parcel ay idineklarang sapatos at chocolate mula sa isang Brie Martin ng Burbank St. Hayward CA, US. Gayunman nang busisiin, naglalaman ito ng apat na pakete ng hinihinalang ‘kush’ o high grade marijuana at 10 cartridges liquid ng marijuana na nagkakahalaga ng P200,000.
Miguel de Guzman/File
P200K halaga ng marijuana, nasabat ng BOC-NAIA
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - January 8, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines – Kinumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa dalawang magkakahiwalay na lugar sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga ipinadalang marijuana o kush sa postal service at mga pagkain tulad ng chicken feet, dumplings at peking ducks na sinamsam sa mga pasaherong may dala nito sa airport terminals, kahapon.

Samantala, sinabi ni NAIA Customs District Collector Mimel Talusan, inaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforce­ment Agency PDEA ang isang graduating student matapos nitong kunin sa Central Mail Exchange Center (CMEC), sa domestic road, Pasay City, ang isang parcel na naglalaman ng iligal na droga galing California, USA.

Kinilala ni Talusan ang suspek na isang Renz Kim Martin Labios, 20, graduating student at nakatira sa Sampaloc, Maynila.

Sabi ni Talusan, ang parcel ay idineklarang sapatos at chocolate mula sa isang Brie Martin ng Burbank St. Hayward CA, US. Gayunman nang busisiin, naglalaman ito ng apat na pakete ng hinihinalang ‘kush’ o high grade marijuana at 10 cartridges liquid  ng marijuana na nagkakahalaga ng P200,000.

Gayunman, sinabi  ni Talusan, nakapangalan kay Xavier Bulos, ang parcel na naglalaman ng illegal drugs pero ng magpakita ito ng identification card ni Renz Kim Martin Labios, umamin din ito kalaunan na iisa lang si Xavier at Renz.Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drug act of 2002 na may kaugnayan sa RA 10863 (Customs Modernization Tariff Act).

Samantala, ang mga sinamsam na pagkain sa mga pasahero sa NAIA ay inilipat sa pag-iingat ng NAIA - Bureau of Animal Quarantine para sa kanilang disposisyon.

MARIJUANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with