^

Metro

ASF sa Quezon City, contained na! - Mayor Joy

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
ASF sa Quezon City, contained na! - Mayor Joy
Mayor Joy Belmonte

QUEZON CITY, Philippines — Contained na ang African Swine Fever (ASF) virus na tumama sa Quezon City.

Ito ang kinumpirma kahapon ni QC Mayor Joy Belmonte matapos na wala nang naitalang mga bagong sakit sa baboy mula Nobyembre 13 at wala ring namatay na baboy na may kinalaman sa ASF sa nakalipas na 30 araw.

“Ito’y resulta ng sama-sama nating pagkilos upang labanan ang ASF. Subalit nariyan pa rin ang hamon upang matiyak na ito’y hindi na mauulit pa”, pahayag ni Belmonte.

“Ths experience teaches us the lesson that transpa­rency and allowing people to participate in solving our problems brings good, ra­ther than hinding the problem from them”, dagdag pa nito.

Gayunman, sinabi pa ni Belmonte na patuloy ang month-long disinfection process hanggang sa matapos ang taon kahit na walang naitatalang kaso ng ASF sa lungsod.

May kabuuang P16.9 mil­yong halaga ang naipamahagi ng QC government bilang financial assistance sa mga backyard hog raisers na naapektuhan ng ASF.

Nasa 5,824 baboy din ang isinailalim sa culling mula ng lumitaw ang ASF nang magpalutang-lutang sa ilog ang mga patay na baboy sa Brgy. Silangan.

May 3,000-cash assistance naman ang naipagkaloob ng lokal ng pamahalaan sa mga negosyante sa bawat baboy na naapektuhan ng ASF.

Pinagbabawal na ng QC government ang backyard piggeries at poultry sa lahat ng barangay sa susunod na taon.

vuukle comment

AFRICAN SWINE FEVER

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with