Ayon sa Makati City Police-Investigation Division, tinukoy ang biktima na si Zhou Mei, 28, POGO (Philippine Offshore ­Gaming Ope­rators) worker. Iniimbestigahan naman ng pulisya ang posibleng pagkakasangkot ng live-in partner ng biktima na si Cheng Tangbin, makaraang marekober ang ilang dokumento kabilang ang isang ‘deed of sale’ na nakalagay ang pangalan nito.
Galing sa Makati Police
POGO worker, dinukot sa Makati
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Huli sa camera ang eksena nang pagdukot ng tatlong lalaking Chinese looking sa isa ring babaeng Chinese national sa Makati City kamakalawa na agad na nag-viral sa social media makaraang mai-post ang video sa internet.

Ayon sa Makati City Police-Investigation Division, tinukoy ang biktima na si Zhou Mei, 28, POGO (Philippine Offshore ­Gaming Ope­rators) worker. Iniimbestigahan naman ng pulisya ang posibleng pagkakasangkot ng live-in partner ng biktima na si Cheng Tangbin, makaraang marekober ang ilang dokumento kabilang ang isang ‘deed of sale’ na nakalagay ang pangalan nito.

Sa ulat ng pulisya, alas-9:06 ng Lunes ng gabi nang maganap ang pagdukot sa kanto ng Paseo de Roxas Avenue at Nieva Street sa tapat ng Salustiana D. Ty Building sa naturang lungsod.  Dito nakita ng maraming saksi ang biktima na hinihila ng tatlong lalaki papasok sa loob ng isang gray na Kia Carnival van (LSA 880) saka humarurot paalis.

Ilan sa mga nakasaksi ang nakakuha ng cellphone video ng insidente na ipinost sa Facebook at agad na nag-viral dahil sa isyu ng kidnapping ng mga van na kumakalat sa Metro Manila.

Sa follow-up investigation ng Makati City Police, sinabi ni Investigation chief, PMaj Gideon Ines Jr. na kusang pumasok sa loob ng van ang biktima ngunit muling bumaba.  Dito na siya nakitang kinakaladkad ng tatlong lalaki papasok ng van at naiwan pa sa lugar ang ilang dokumento ng deed of sale kung saan natukoy ang pangalan ni Cheng Tangbing na kinakasama ng biktima.

Tinungo ng mga pulis ang tinutuluyang condominium building ni Cheng sa Legaspi Village na ilang metro lang ang layo sa lugar ng pagdukot ngunit hindi na mahagilap ang Tsino. Sinabi ng guwardiya na nagmamadaling lumabas ng gusali si Cheng dahil sa may katransaksyon umano.

Nang berepikahin ang plaka ng sasakyang ginamit sa pagdukot, nabatid buhat sa Land Transportation Office (LTO) na buhat ito sa isang Mitsubishi L300 at hindi sa isang Kia Carnival.

Nabatid pa sa imbestigasyon na may naniningil na malaking halaga ng pera ngunit hindi pa matukoy kung si Cheng o ang dinukot na si Zhou ang sinisingil. 

ZHOU MEI
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with