^

Metro

Pilot test ng motorcycle taxis baka palawigin; Angkas competitors papasok?

Philstar.com
Pilot test ng motorcycle taxis baka palawigin; Angkas competitors papasok?
Sinabi ng Department of Transportation na papayagan sa panibagong anim na buwang dry run ang pagpasok ng iba pang motorcycle taxi providers "sa interes na mabigyan ang publiko ng mas maraming pagpipilian na magtutulak sa mas magandang serbisyo.
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Pinag-iisipan ngayon ng inter-agency technical working group na pahabain ang anim na buwang pilot implementation ng mga motorcycles-for-hire ngayong nais pumasok ng ilang kumpanyang tutunggali sa Angkas.

Sa pahayag na inilabas ngayong Martes, sinabi ng Department of Transportation na papayagan sa panibagong anim na buwang dry run ang pagpasok ng iba pang motorcycle taxi providers "sa interes na mabigyan ang publiko ng mas maraming pagpipilian na magtutulak sa mas magandang serbisyo.

Nakakuha ng proposals mula sa Citimuber, JoyRide, Movelt, EsetGo, Sakay at VroomGo ang gobyerno at dininig noong ika-20 ng Nobyembre.

Tanging Angkas pa lang ang kalahok sa naunang six-month pilot testing na magtatapos sa ika-26 ng Disyembre.

Sabi pa ng DOTr, layon ng extension na mapalawig ang saklaw ng kanilang pag-aaral sa tamang standards at kapasidad ng mga motorsiklo para masigurong ligtas at karapat-dapat mabigyan ng prangkisa.

"Gusto naming malaman ang kanilang 'operational readiness' at pagsunod," sabi pa ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board board member Antonio Gardiola, na namumuno sa TWG.

Sabi pa niya: "Gusto naming malaman kung ligtas at viable bang pampublikong transportasyon ang motorsiklo. 'Yun talaga ang prayoridad namin — ang kaligtasan, seguridad at pagkakomportable ng mga mananakay."

Nakatakda namang maglabas ng desisyon sa planong pagpapalawig ang DOTr sa mga susunod na araw. — James Relativo at may mga ulat mula kay Gaea Katreena Cabico

vuukle comment

ANGKAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with