Trader, timbog sa pagbebenta ng nakaw na laptop
Ang suspek ay kinilalang si Moamar Moctar, 36, may asawa, at residente sa naturang lungsod.
The STAR/File
Trader, timbog sa pagbebenta ng nakaw na laptop
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - December 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Timbog ang isang negos­yante sa isinagawang entrapment operation ng mga awtoridad dahil sa pagbebenta ng nakaw na laptop sa isang mall sa Mandaluyong City, kama­kalawa ng gabi.

Ang suspek ay kinilalang si Moamar Moctar, 36, may asawa, at residente sa naturang lungsod.

Ang suspek ay inaresto dakong alas-7:45 ng gabi sa loob ng isang kilalang mall sa Brgy. Wack-Wack, Mandaluyong City.

Ayon sa reklamo sa pulisya ni Mark John Salazar, 32, binata, nakita niya sa online market ang nawawala niyang laptop kaya nakipag-ugnayan  siya sa suspek na bibilhin ang nasabing laptop at nagkasundong magkikita sa mall para sa bayaran.

Nakipag-ugnayan naman sa pulisya ang biktima kaya isinagawa ang entrapment operation.

Aktong inaabot ng biktima ang perang 57,000 sa suspek nang siya ay arestuin ng mga awtoridad

Kuwento pa ng biktima na kamakailan lang ay nabiktima siya ng Basag Kotse Gang sa Makati City at tinangay ang kanyang laptop at iba pang gamit.

LAPTOP MARK JOHN SALAZAR MOAMAR MOCTAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with