Ang mga nasakoteng suspek ay sina Ryanelle Reyes, 40, nakatira sa No. 4-9 Flora Avenue Villa Teresa, Angeles City, Pampanga; Argel Garces, 35, isang associate engineer ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), at nakatira sa Trinidad Village, Angeles City, Pampanga at si Aaron Espiritu, 34, ng Bacolor, Pampanga. Pinaghahanap naman ang isa pang nakatakas na suspek na si alyas “Magno”.
The STAR/File
3 na tumangay ng rent-a-car, nadakip
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Arestado ng mga tauhan ng Pasay City Police ang tatlong sinasabing karnaper na tumangay sa isang mamahaling ‘sports utility vehicle (SUV)’ ng isang rent-a-car nang matukoy ang kinaroroonan ng sasakyan sa pamamagitan ng nakakabit na ‘GPS (global positioning system) device’ nito, kamakalawa ng gabi.

Ang mga nasakoteng suspek ay sina Ryanelle Reyes, 40, nakatira sa No. 4-9 Flora Avenue Villa Teresa, Angeles City, Pampanga; Argel Garces, 35, isang associate engineer ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), at nakatira sa Trinidad Village, Angeles City, Pampanga at si Aaron Espiritu, 34, ng Bacolor, Pampanga.  Pinaghahanap naman ang isa pang nakatakas na suspek na si alyas “Magno”.

Base sa ulat ng Pasay City Police, nirentahan ng dalawang Chinese national na sina Tong Jin Tao at Sang Bo ang isang Toyota Fortuner na pag-aari ni Virgilio Celis, 61, noong Disyembre 5.  Nagpahatid ang dalawang dayuhan sa driver ng SUV na si Reyes sa Cartimar Shopping Center.

Ngunit iniwan din ni Reyes ang sasakyan sa parking area at sinamahan ang dalawang dayuhan sa pamimili.  Pagbalik nila ay nawawala na ang naturang sasakyan kaya agad nilang iniulat sa Taft Police Community Precinct.

Samantala, sa pamamagitan ng GPS, natukoy ang kinaroroonan ng sasakyan sa loob ng compound ng NGCP sa may Barrio San Jose Matulid, Mexico, Pampanga, kung saan agad na nagkasa ng follow-up operation ang mga pulis dakong ala-1:00 ng Biyernes ng madaling araw at nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na si Reyes, na sinasabing kasabwat sa carnapping, at Garces na natuklasan na siyang nagpasok ng behikulo sa compound ng NGCP.

Itinuro naman ni Garces si Espiritu at isang alyas Magno na siyang nagbigay sa kanya ng behikulo para ibenta.  Dito nagkasa ng operasyon ang pulisya at nagresulta sa pagkakadakip ni Espiritu sa loob ng kanyang bahay sa Bacolor, Pampanga.

FLORA AVENUE VILLA TERESA RYANELLE REYES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with