Disco bar na may ‘nude show’ ni-raid: 72 babae nasagip
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - December 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa 72 kababaihan ang nasagip ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) makaraang salakayin ang isang disco bar na pugad umano ng prostitusyon dahil sa pagpapalabas nito ng ‘nude show’ sa Cubao, Quezon City nitong Sabado ng madaling araw.

Sa ulat ng QCPD, dakong alas -12:30 ng madaling araw nang salakayin ng mga operatiba ang Lanai Disco Club na matatagpuan sa Imperial St., malapit sa Aurora Boulevard ng lungsod.

Ang raid ay isinagawa ng mga elemento ng Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Police Station 7 sa ilalim ng pamumuno ni Major Fortunato Ecle Jr. at Quezon City Social Services and Developmnt (SSDD).

Bago ito, ayon sa opisyal ay isang kustomer ang nagbigay ng tip sa mga operatiba hinggil sa mga kababaihang nagsasayaw ng hubo’t hubad sa nasabing disco club.

Nang magsimula na ang show sa nasabing disco bar ay dito na sinimulang arestuhin ang mga empleyado na nagpapatakbo ng bar.

Nasakote sa operasyon ang walong empleyado ng disco club na kinilalang sina Sittie Sarh Mohammad Aljasser, 46; Sherwin Cezaldo, 37; Violeta Bautista, 46; Dlady Cyl Feliciano, 42; Jonathan Bumanglag, 40; Odessa Lazo, 51; Francis Oreta at Elizalde Agustin, 45 taong gulang.

“The rescued women with ages 20 to 30 presented necessary working permits and will be turned over to the QC-SSDD for intervention”, pahayag ni QCPD Director Police Brig. Gen. Ronnie Montejo.

QCPD WOMEN AND CHILDREN PROTECTION DESK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with