Ayon sa LTFRB, bagama’t marami ang nananawagan sa ahensya na bigyan ng pagkakataon ang Angkas na maipagpatuloy ang operasyon, ilalabas nila ang desisyon hinggil dito makaraan ang Pasko.
STAR/File
Operasyon ng Angkas, huhusgahan pagkatapos ng Pasko
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - December 7, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Huhusgahan na ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) ang kompanyang Angkas sa December 26   hinggil sa kung maaari pang magpatuloy ang operasyon ng motorcycle hailing company.

Ayon sa LTFRB, bagama’t marami ang nananawagan sa ahensya na bigyan ng pagkakataon ang Angkas na  maipagpatuloy  ang operasyon, ilalabas nila ang desisyon hinggil dito  makaraan ang Pasko.

Sinasabing sa December 26, matatapos na ang palugit na naibigay ng LTFRB sa anim na buwang pilot test para makapasa sa safety metrics na naitakda ng  technical working group na nagsagawa ng pagsubaybay sa operasyon ng Angkas.

Ang pahayag ay ginawa ng LTFRB upang bigyang impormasyon at paalala ang Angkas driver hinggil sa sobrang maliit na tsansa na maibibigay ng Kongreso tungkol sa pagpasa ng batas na pumapayag na gawing pampasaherong sasakyan ang  motorbikes.

Sinasabing maraming bilang na ng mga commu­ters ang dumedepende na sa pagsakay sa Angkas riders lalu na kapag papasok sa trabaho dahil mas mabilis ito at walang epektong dulot mula sa nararanasang matinding traffic sa mga lansangan sa Metro Manila.

ANGKAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with